Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dianne Medina Rodjun Cruz

Rodjun sobrang bumilib nang muling magsilang si Dianne: ang tapang mo!

NOONG July 23, Wednesday, ipinanganak na ni Dianne Medina ang second baby nila ng mister na si Rodjun Cruz, na pinangalanan nilang Maria Isabella Elizabeth Medina Ilustre.

Sa Instagram, proud na ipinasilip ni Dianne ang kanilang baby, at inilarawan ito bilang “answered prayer.”

Lubos din ang pasasalamat ni Dianne dahil sa kabila ng kanyang komplikasyon sa pagbubuntis ay naging ligtas ang kanyang panganganak.

Post ni Dianne, “Thank you, Lord for everything! I had the following during my pregnancy: Gestational Hypertension, Gestational Diabetes, Cardiac Arrythmia, Polyhydramnios,” caption niya.

Thank you, Lord. No complications or anything! All Glory and Honor is yours, Almighty Father.”

Thank you for answering my prayers! Salamat rin po sa mga nagdasal,” lahad pa ni Dianne.

Thank you to my super bait, maalaga and magagaling na doctors. Thank you Lord.”

Para naman kay Rodjun, best gift na ibinigay sa kanila ng Diyos ang ikalawang anak nila ni Dianne.

Inihayag din ng aktor ang kanyang pagkabilib sa misis, “So proud of you, wife! Ang tapang mo.

“Sa nasaksihan ko kanina mas lalo pang tumindi ang pagmamahal ko sayo. Saludo ako sayo! I love so much,” sey pa niya.

To Rodjun and Dianne congratulations sa pagkakaroon ng bagong dagdad sa pamilya.

Sa comment section, maraming fellow celebrities ang nagpaabot ng “well wishes” at “congratulatory” messages sa mag-asawa.

Kabilang na riyan sina Carla Abellana, Coney Reyes, Arron Villaflor, Jak Roberto, Mark Herras, Rocco Nacino, Maxine Medina, Kris Bernal, Charee Pineda, Yasmien Kurdi, at Jo Berry.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …