Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu 2024 Seoul International Drama Awards

Kim wagi sa 2024 Seoul International Drama Awards

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA si Kim Chiu huh! Siya  kasi ang nagwaging Outstanding Asian Star sa 2024 Seoul International Drama Awards.

Ibinandera mismo ni Chinita Princess sa kanyang Instagram ang pagkapanalo niya ng award sa ibang bansa.

Proud niyang ipinakita ang invitation letter mula sa award-giving body na sinasabing siya ang nagwagi sa nasabing kategorya.

Thank you for your submission to Seoul International Drama Awards 2024. This invitation is sent to the winners of SDA 2024,” saad sa ipinadala ng organization committee.

On behalf of all the judges and the organizing committee, we would like to congratulate you all on the award.”

Sa caption, ramdam na ramdam ang kasiyahan ni Kim at inamin na hindi siya makapaniwala sa matatanggap niyang pagkilala, “I got the news today! [holding back tears, folded hands emojis] I am lost for words…

Beyond thankful, grateful, and extremely happy!!! I can’t believe this is happening,” patuloy niya.

Kasunod niya ay nagpasalamat na siya sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanya, kabilang na ang ABS-CBN, Dreamscape, at lahat ng kanyang supporters.

I am very lucky to have you all behind and beside me. Thank you for making this possible! [crying, folded hands, trophy emoji],” mensahe niya.

Aniya pa, “My heart is full!!! [red heart emoji] MARAMING MARAMING SALAMAT PO! [folded hands emoji].”

Bandang huli ay kinompirma niya na pupunta siya sa South Korea para tanggapin ang award.

KOREA HERE I COME! [South Korean flag, airplane emojis] Sa SOUTH HA? Hihi,” aniya pa.

Kabilang sa mga tinalo ni Kim sa listahan ang Thai stars na sina Blue Pongtiwat Tangwancharoen at Poompat Iam-samang, ang Malaysian actress na si Emily Chan, ang Singaporean award-winning actor na si Desmond Tan, at Indonesian actress na si Ochi Rosdiana.

Ang Seoul International Drama Awards 2024 Awards Ceremony ay gaganapin sa KBS Hall, Seoul, South Korea sa September 25.

Congratulations Kim!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link