Monday , December 23 2024
Aiko Melendez

Aiko tumulong pa rin kahit naapektuhan din ng Carina

MA at PA
ni Rommel Placente

HANGA kami kay Aiko Melendez. Kahit malungkot, dahil inanod ng baha ang kotse ng anak niyang si Andrei at na-trap ang bahay at naubos ang gamit ng ilan sa kanyang staff sa Team AM, dahil sa bagyong Carina, tuloy pa rin ang pagtulong niya sa kanyang constituents sa District 5 ng Quezon City.

Post niya sa kanyang FB account.

Lahat po tayo ay nahaharap muli sa isang matinding pagsubok. Hindi po kayo nag-iisa. Wala sa antas ng pamumuhay ang pagsubok. Kaninang umaga po pinilit po naming habulin.

“Ang inaanod na kotse ng aking anak Andre Yllana subalit wala din po kaming nagawa kundi ang magdasal. Materyal na bagay lang ang sasakyan. Ang mahalaga ngayon ay walang masaktan at nasasaktan. Kalahati sa aking team.

“Natrap po sa kanilang mga bahay ubos ang gamit. Kaya po iilan lang po kami ang makakaikot upang maghatid ng tulong. Hindi po kami panghihinaan ng loob dahil tao muna bago ko harapin ang sariling problema po. Yan ang mga bagay na pinagbago ng aking buhay na ako ay isang public servant gusto man akapin ang anak sa lungkot nya sa kanyang sinapit meron akong mas malaking obligasyon sa aking distrito. Nakahanda na po ang aking team hindi man kumpleto pero buo ang loob sa pagtulong! Makakayanan po naten ito.”

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …