NAMATAY si Lionel Elika Fatupaito, boxing coach ng Samoa, edad 60 anyos, nang atakehin sa puso habang nasa Olympic village sa Paris nitong Biyernes.
Naganap ang insidente dakong 10:20 am (Paris local time) bago ang opening ceremony sa Paris.
Sa ulat ng Le Parisien, kasama ni Elika Fatupaito ang mga manlalaro nang biglang atakehin sa puso at sa kabila ng pinkamahusay na pagsisikap ng emergency team siya ay idineklarang namatay sa nasabing lugar sa likas na kadahilanan.
Naunang kinompirmang International Boxing Association (IBA) ang pagkamatay ng boxing coach na si Elika Fatupaito nitong Biyernes, 26 Hulyo, habang nasa Paris Olympics Village.
Inilabas ang insidente ng Samoan media.
“Lionel’s dedication and passion for the sport have left an indelible mark on the boxing community. His legacy will continue to inspire future generations. Our thoughts and prayers are with Team Samoa and all those affected by this profound loss.” pahayag ng IBA.
Samantala, tuloy pa rin ang laban ng kaniyang protégé na si Ato Plodzicki-Faoagal sa heavyweight boxing.
Suportado ni Elika Fatupaito ang nag-iisang entrant ng Samoa sa Olympic boxing na si Plodzicki-Faoagali, isang Pacific Games gold medalist.
Inilabas ni Plodzicki-Faoagali ang kanyang pagdadalamhati sa Instagram, at tinukoy ang kanyang coach bilang “Grand Master” habang inihahahyag ang kanyang malalim na kalungkutan.
“I first met coach Lionel when I was 15 trialling for Samoa’s youth team. He was a kind and generous coach, not only with his time, material things, but also his knowledge,” isinulat ni Plodzicki-Faoagali sa kanyang Instagram, katabi ang retrato nila ni Elika Fatupaito.
“You will be sorely missed coach … Rest well old man, gonna miss you out there, you were the calm one and dad the storm of our corner,” anang 25-anyos boksingero.