Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards

Alden kabaitan tunay, egad tumulong sa mga biktima ni Carina

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON naniniwala na kami sa sinasabi ng fandom na hindi lamang mas magandang lalaki kundi mas mabuting tao talaga si Alden Richards kaysa iba.

Isipin ninyo nang makita lamang niya sa tv ang kalagayan ng mga evacuee sa isang evacuation center sa Navotas mabilis siyang tumawag sa GMA Foundation at sinabing may ipadadala siyang 1,000 burgers at 1,000 plus ding bote ng mineral wanter. Kung tutuusin, hindi naman niya kakilala ang mga evacuee na iyon pero sigurado dahil sa ginawa niya mas panonoorin na ng mga iyon ang serye niyang Pulang Araw kaysa sa seryeng kalaban niyang hindi man lang nakaalalang magpadala kahit na dahon ng pito-pitong mailalaga sana galing sa Quiapo. 

Mas magaling na ‘di hamak si Alden kaysa mga government official na bago ang eleksiyon linggo-linggo ay may padalang bigas at ayuda pa sa mga registered voter pero noong hagupitin ng Carina ang mga botante niya missing in action na. Iyon ngang isang kakilala naming kapitan ng barangay ang bahay ay inabot ng baha hanggang second floor at iniligtas lamang sila ng isang nagmagandang loob na nagtali ng lubid na kanilang makakapitan palabas sa bahay nila hanggang sa makarating sa isang lugar na mababa na ang baha. Walang natira sa mga kasangkapan at maging damit nila inanod na ng baha. Noong gabing iyon ay wala silang mapuntahan dahil lubog pa ang bahay nila kaya nakiupo muna sila at natulog sa upuan ng isang burger chain. Hindi naman sila makapasok sa katabing hotel dahil wala nga silang nadalang pera lubog na lahat sa tubig baha.

Kung iyong kapitan ng barangay na nagkampanya pa para sa kanila hindi nila natulungan paano pa iyong iba? Kaya ayan sa Oktubre maghaharap na naman ng kandidatura ang mga iyan para sa mid term elections sa susunod na taon, huwag na kayong padadala sa ayuda sa panahong wala namang kalamidad. Huwag kayong pagugulat sa napakaraming sasakyan na may pangalan naman nila. Iboto ang mga taong may malasakit sa bayan. Kung kakandidato nga lang iboboto namin si Alden eh. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …