Sunday , December 22 2024
Dolomite Beach Manila Bay Reclamation

Pagbaha sa Pasay hindi dahil sa reclamation sa Manila Bay — eksperto

TAHASANG pinasubalian ng isang eksperto na hindi reklamasyon sa Manila Bay ang direktang dahilan ng pagbaha sa Pasay lalo sa harap ng Senate building kahapon.

Sa isang panayam kay Executive Director Mahar Lagmay ng Project NOAH, tumanggi siyang sabihing may kinalaman ang mga proyektong reklamasyon sa pagbaha hanggang walang siyentipikong pag-aaral na isinasagawa rito.

Ayon kay Lagmay, bilang isang siyentista, kailangan saliksikin pa kung may epekto nga sa pagbaha ang reklamasyon sa Manila Bay bago maniwala sa mga haka-haka.

Kumalat sa kasagsagan ng bagyong Carina ang mga pagpuna na maaaring may kinalaman ang reclamation projects sa Manila Bay dahil sa pagbaha sa harapan ng Senado.

Inamin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi nakayanan ng kanilang 71 pumping stations ang biglaang pagbuhos ng malakas na ulan.

Ayon sa MMDA, 30 millimeter per hour volume lamang ng ulan ang kapasidad ng pumping stations, ngunit lampas sa 74 millimeters per hour ang volume ng bumuhos na ulan dala ng bagyong Carina.

Tumagal aniya nang lampas sa 10 oras ang ulan sanhi upang lumampas sa kapasidad ng mga pumping stations.

Bukod sa ulan, nakalala rin sa pagbara ng mga pumping stations at mga drainage ang tone-toneladang mga basura at langis.

Nang bisitahin ng Pasay DPWH engineering team ang Diokno Boulevard, nakita ang sandamukal na mga basura.

Nang matapos ang paglilinis ng mga estero, humupa ang baha sa harapan ng senado dakong 4:00 ng hapon at maluwag na nakaraan ang mga sasakyan.

Bagamat mas malakas ang bagyong Ondoy, hinatak ng bagyong Carina ang hanging Habagat na nagpalakas sa hangin at ulan, na pinaniniwalaang dahilan kaya lumubog sa baha ang ilang mababang lugar.

Naging catch basin ang ilang mga siyudad, tulad ng Marikina, Quezon City, San Mateo, at maging ang malawak na bahagi ng CAMANAVA.

Tiniyak ng MMDA at DPWH na magbabago ang lagay ng pagbaha sa Kalakhang Maynila pagdating ng Hulyo kung kailan makokompleto ang mga itinayong flood mitigation pumping stations sa Taft Avenue, UN Avenue at Malate.

Inaasahang makokompleto ang konstruksiyon ng mga bagong power facilities para sa mga pumping stations ngayong buwan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …