ni ROMMEL GONZALES
GAGANAPIN bukas, Hulyo 26 ang Man of the World 2024 sa Samsung Hall sa Ayala Circuit, Makati City na 23 male candidates mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo ang maglalaban-laban para sa prestihiyosong titulo.
Ang mga bansang kasali na pawang mga nagguguwapuhan ang mga delegate ay ang AUSTRALIA (Amith Singh Saini), BRAZIL (Cassio Miguel Leles De Souza), CAMBODIA (Siphun Rith), COLOMBIA (David Alexander Linares Solis), COTE d’IVOIRE (Desire Kouassi), CZECH REPUBLIC (Rostislav Prochazka), DOMINICAN REPUBLIC (Junior Radhomes Mendoza Taveras), ECUADOR (Sebas Mora), ERITREA (Paulos Tecle), FRANCE (Gwen Jegouzo), INDIA (Lavesh Mohan Bharambe), INDONESIA (Arya Dimas Aditya), ITALY (Nicolas Maggi), KOREA (Kim Minseong), MALAYSIA (Edison Ho), MOROCCO (Simo Mansouri), PHILIPPINES (Kenneth Cabungcal), PUERTO RICO (Fernando Padin), SINGAPORE (Joyner Canlas Samson), SPAIN (Sergio Avila Lopez), UNITED KINGDOM (Kazim Keskin), VENEZUELA (Sergio Azuaga) at VIETNAM (Doan Cong Vinh).
Nagkaroon sila ng National at Swimwear presentation kamakailan sa ballroom ng Winford Resort and Casino Manila at talaga namang nakamamangha ang mga costume nila.
Tatlo ang nanguna sa kompetisyon na ito, Gold ang India, Silver ang Philippines, at kapwa Bronze ang Ecuador at Singapore.
Ang iba pang mga nakasali sa Top 10 ay ang Vietnam, Colombia, Venezuela, Indonesia, Malaysia, at Eritrea.
Nakakapaglaway naman ang pagrampa ng mga kandidato suot ang kanilang yellow trunks pero ihahayag ang winner sa segment na ito sa mismong finals night dahil nagkaroon pa sila ng swimwear competition sa Zambales.
Itinanghal namang Best in Arrival Costume ang France (Gold), Brazil (Silver), at Czech Republic (Bronze).
Ang mga iba pa na bumuo sa top 10 ay ang Vietnam, Spain, Cote d’Ivoire, Puerto Rico, United Kingdom, Philippines, at Morocco.
Wagi namang Press Favorite ng gabing iyon (na nagsilbi ring Preliminary Competition at Charity Gala) ang Philippines na ka-tie ang Venezuela (Gold), Ecuador (Silver) at France (Bronze).
Nakasama naman sa Top 10 ang Australia, Cambodia, Dominican Republic, Italy, Malaysia, at Colombia.
May tagline na “Masculinity with Responsibility” ang Man of the World 2024 na mula sa Prime Event Productions Philippines Foundation, Inc.
Sa swimwear competition sa Zambales wagi ang mga sumusunod: Gold: Venezuela (Sergio Azuaga); Silver: France (Gwen Jegouzo); Bronze: India (Lavesh Mohan Bharambe). Best in BeachWear naman ang: Gold: Puerto Rico (Fernando Padin); Silver: Philippines (Kenneth Cabungcal); Bronze: Ecuador (Sebas Mora). Best Physique ang: Gold: Brazil (Cassio Miguel Leles De Souza); Silver: Vietnam (Doan Cong Vinh); Bronze: United Kingdom (Kazim Keskin)