Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWAN
ni Ed de Leon

PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. Mabilis siyang dnaluhan ng kasamang si Barbie Forteza pero iyong staff na mukhang props man o set man, huli na nang kumilos at nakita iyan sa video ha. Mas nauna pa si Barbie sa pagbatak kay Budol na nahulog. Tahimik din ang GMA sa mga pangyayari, wala silang statement kung ano ang dahilan at nahulog si Budol. 

Puwede naman nilang sabihin na “natapakan niya ang gown dahil hindi siya sanay sa long gowan lumaki kasi siya sa farm.” O kaya sisihin ang mga gumawa ng stage at sabihing, “kasi po uno por dos lang ang ginawa nilang frame ng plywood na stage kaya natapak si Budol sa malambot na parte nalaglag siya.”Puwede ring aminin nila na, “trade mark po namin kasi ang nadadapa at nahuhulog.” Hindi ba sa kanila nadapa si Eddie Garcia dahil sa nakakalat na cable? Hindi ba sa kanila rin nahulog si Kris Aquino sa stage dahil sa hindi matibay na pagkakagawa? Kailangan pa bang imbestigahan iyan ng Senado? O ilabas sa KMJS para mapag-usapan at lumabas kung ano ang totoong nangyari?

Marami pa silang kailangang ipaliwanag bakit ang Starstruck alumni na si Nadine Samonte ay pinadalhan nila ng imbitasyon, pinayagan pa nilang rumampa sa red carpet tapos pagdating naman sa loob ay wala pala ang pangalan niya kaya wala siyang puwesto sa party. Gumastos iyong bata sa gown, sa glam team niya at sa oras ng pagpunta niya roon tapos “mae-Eva Darren lang pala siya.” Masakit iyon para sa isang home grown talent lalo na’t nakikita niyang maging ang mga starlet ng ABS-CBNnaroroon at nakiki-party sa kanila.

Mukhang gusto kasing palabasin ng GMA na welcome sa kanila ang mga taga-Madre Ignacia. Hindi nila alam na nasakop na ng taga-Madre Ignacia ang Kamuning. Nalipat na ang Kamuning sa South Triangle. 

Bakit nga hindi sasabihing ganoon eh si Nadine na artista nila at nagsimula sa Starstruck ay “na-eva Darren” samantalang iyong mga galing sa PBB nandoon lahat kahit na wala namang dahilan? Gaya niyong si Enchong Dee na wala namang palabas sa GMA, pero binayaran daw ng sponsor ang kanyang ticket para magpunta sa gala.

Anyway, ano man ang sabihin ninyo mas napag-usapan sila  kaysa tie awards na hindi na napansin at napag-usapan man lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …