ni Ed de Leon
“PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa alambre o pasayawin ng ballet sa platito basta ang partner ko kagaya ni Titus Low,” sabi ng isang BL star. Iyong si Titus Low ay sikat na BL star din sa Singapore na pogi at naging kontrobersiyal nang hulihin ng mga pulis dahil sa obscenity daw.
Kaso ang nagkakagusto naman sa kanya ay mukhang isang taong prominente. Siyempre ayaw niya niyon. Basta naman nabuko ka, eskandalong maliwanag, huwag na. At saka ang hitsura naman ng makakasama mo. Iyon ngang isang male star din hindi nakatagal sa kanya eh, sabi pa ng male starlet.
Mukhang marami nang alam si male starlet tungkol kay prominent person kaya kahit na ano ang sabihin ayaw na niyang pumatol. Tsismis nga naman eh kagaya niyong madalas katagpuin sa isang lugar sa Tagaytay.