Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dustin Yu

Dustin Yu speechless itinanghal na New Male Movie Actor

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI maipaliwanag ng Sparkle artist na si Dustin Yu ang sayang naramdaman sa pagkapanalo sa 40th PMPC Star Awards for Movies para sa kategoryang New Male Movie Actor of the Year para sa mahusay na pagganap sa Shake, Rattle &  Roll Extreme.

Tinalo nito sa nasabing kategorya sina Ron Angeles (Mallari), Elyson De Dios (In His Mother’s Eyes), Shun Mark Gomez (Huling Palabas), Fino Herrera (Here Comes The Groom), Markus Joseph Manuel(Unspoken Letters), Ninong Ry (Shake Rattle and Roll Extreme – Mukbang episode), at  Charles Temones (Losers 1, Suckers 0). 

Ani Dustin,” Sobrang speechless po ako, actually kanina kinakabahan ako, pero ngayon nag-sink in sa akin lahat.

“Ngayon mas lalo kong pagbubutihan sa craft ko, sa trabaho ko, siyemre mas lalo kong mamahalin dahil sa award na ito.

“Mas lalo akong magiging eager na maabot ‘yung goal ko bilang artist.”

Hindi rin ini-expect ni Dustin na mananalo siya, ang ma-nominate lang ay malaking bagay na sa kanya.

Actually noong nakita ko na nominated ako masaya na ako sa totoo lang masayang-masaya na ako. Kaya ‘di ko na ini-expect na ako pa ‘yung mananalo.”

At kung ‘yung iba nga raw ay 5, 10, 15 o 40 years ang hinintay para manalo sa Star Awards si Dustin ay two years ang hinintay bago manalo.

Sa ngayon ay sunod-sunod ang proyektong ginagawa ni Dustin.

Actually katatapos ko lang mag-shoot ng ‘Guilty Pleasure’ kasama ko sina Lovi Poe, JM De Guzman, Jameson Blake and Jerrica Lao.

“So abangan n’yo ‘yan dahil bago na namang character ang gagampanan ko rito.

“Last time sa ‘Shake, Rattle and Roll’ zombie ako, so ngayon iba naman.

” And katatapos ko lang sa ‘Black Rider’ and nagsu-shoot ako sa ‘Pulang Araw,’ sunod-sunod ‘yung project kaya naman thank God.”

At sa kanyang pagkapanalo ay nagpapasalamat ito sa kanyang management sa GMA 7 at sa Sparkle.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …