Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nora Aunor Maricel Soriano Alden Richards

Nora, Maricel, at Vilma triple tie for best actress sa 40th Star Awards

ni ROMMEL GONZALES

TABLA, yes it’s a tie sina Dingdong Dantes at Alden Richards bilang Movie Actor of the Year sa katatapos na 40th Star Awards for Movies.

Ang Kapuso Primetime King (para sa Rewind nila ni Marian Rivera) at ang Asia’s Multimedia Star para naman sa pelikulang Five Breakups and a Romance nila ni Julia Montes ang pumasa sa panlasa ng mga screening members ng Philippine Movie Press Club na siyang nag-organisa ng Star Awards taon-taon para sa movies, television, at music.

At kung tie ang dalawang hari ng GMA, nagtala naman sa kasaysayan ng Star Awards for Movies ang pananalo ng, not one, not two, but three outstanding actresses.

Waging Movie Actress of the Year ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor(para sa pelikulang Pieta), ang Star for All Seasons na si Vilma Santos (When I Met You In Tokyo), at ang Diamond Star na si Maricel Soriano para naman sa In His Mother’s Eyes.

Nalungkot naman ang mga Vilmanian na dumalo sa awards night sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University dahil hindi nakarating si Vilma.

Bongga sana kung tatlo sila nina Ate Guy at Marya na nagyakapan onstage at nagbigay ng kanilang emosyonal na speech.

Well, may maganda naman sigurong dahilan si Ate Vi kaya hindi siya nakarating.

Dalawa sana ang award niya dahil recipient din siya ng Dekada Award kasama ang Superstar, si Christopher de Leon, at ang hindi rin nakadalo na si Piolo Pascual.

Ang ganda namang pagmasdan na nakaupo sa audience ang iba pang Movie Actor Of the Year nominees kahit hindi sila wagi tulad nina Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes), Cedrick Juan(Gomburza), at Alfred Vargas (Pieta).

Nanalong Movie of the Year ang Mallari at ang direktor nitong si Derick Cabrido, Indie Movie of the Year ang Litrato at Indie Movie Director ang direktor nitong si Louie Ignacio.

Napakahuhusay ng mga host ng awards night na sina Alden, Robi Domingo, Bianca Umali, at Aiko Melendez.

Star na star ang ganda at kaseksihan ni Aiko na apat na gowns na salitang isinuot.

Opening number ang paghataw ng Asia’s Pop Heartthrob na si Darren Espanto with the Manoeuvres.

Espesyal ang pagkanta ng  Asia’s Songbird na si Regine Velasquez as tribute sa Viva Films producer at Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Awardee na si Vic del Rosario Jr..

Sa Viva nagreyna nang husto si Regine bilang aktres at lahat ng pelikula niya rito ay tumabo sa takilya. 

Kumanta ang grupong Anthology.PH para kina Dekada Awardees Nora at Drama King Christopher   (na nominado rin bilang Movie Actor of the Year para sa When I Met You In Tokyo).

Tilian ang fans, na karamihan ay mga Noranian, nang nasa stage sina Guy at Boyet.

Wagas ang palakpakan sa napakahusay na performance nina Tawag ng Tanghalan Season 3 grand champion Laine DuranThe Voice Kids Season 1 grand champion na si Lyca GairanodBida Nextgrand winner Carren Eistrup, at Pinoy Pop Superstar season 1 grand champion Jona.

Ang 40th Star Awards for Movies ay pinangunahan ng Pangulo nitong si Rodel Ocampo Fernardo. Katuwang ng PMPC members at officers ang Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard. Ang awards night ay idinirehe ni Eric Quizon.

Una nang inihayag ng PMPC ang mga winner nila sa ibang kategorya noong Hulyo 12 sa iba-ibang social media platforms at news channels.

Ang kabuuan ng awards night ay ipalalabas sa A2Z sa July 27, Sabado,10:30 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …