Sunday , December 22 2024
Bong Revilla Jr Denver Chua Jolo Revilla Cavite

200 + pamilyang biktima ng sunog sa Cavite City dinalaw ni Senator Bong

DINALAW ni Senator Ramon “Bong”Revilla, Jr., ang mahigit sa 200 pamilyang nasunugan sa Brgy. 5 at Brgy. 7, Cavite City upang maghatid ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P20,000 at personal na kumustahin ang kanilang kalagayan.

Ayon kay Revilla, “Dalangin nating malampasan ng bawat isa ang pagsubok na ito at makapagbagong simula ang minamahal nating mga Caviteño at Caviteña na nawalan ng mga ari-arian at tahanan dahil sa trahedyang ito.”

Lubos na pinasalamatan ni Mayor Denver Chua sina Senator Revilla, Jr., at Cong. Jolo Revilla dahil sa tulong pinansiyal sa kanyang mga kababayan na sa kabila ng trahedyang naranasan ay mayroon silang kababayang senador na karamay.

Nagpasalamat ang mga apektadong residente sa senador sa agarang tulong na kanilang natanggap.

Ayon kay Mrs. Analyn, “Kahit kailan, hinding-hindi kami iniiwan ni Senator Revilla. Kahit noon pa, kapag may problema, buong puso siyang bumababa upang kumustahin ang aming kalagayan.”

Sa mensahe ni Brgy. Chairman Archie Joaquin, nagtulong-tulong sila mula sa iba’t ibang barangay upang magbantay sa mga kababayan nilang nasa evacuation area.

Patuloy ang pagdating ng tulong mula kay Mayor Chua.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …