INILIPAT ang may 300 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa lungsod ng Muntinlupa patungo sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa lalawigan ng Palawan, pahayag ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Linggo, 21 Hulyo.
Ayon kay BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio Catapang, Jr., patuloy silang naglilipat ng mga PDL sa iba’t ibang piitan at penal farms ng Bucor upang mabawasan ang populasyon ng NBP at madagdagan ang kinakailangang manpower sa mga pasilidad na may proyektong paggawa ng mga pagkain.
Dagdag ni Catapang, bahagi ang paglilipat bilang paghahanda sa tuluyang pagsasara ng NBP sa 2028 upang gawing iba’t ibang pasilidad ang 350-hektaryang lupa kabilang ang government center at national park.
Aniya, ineskortehan ang mga PDL ng 100 corrections officers kabilang ang mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at ilang medical personnel.
Gayondin, katuwang ng BuCor sa paglilipat ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG).