Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Titus Low

Videos ni Titus Low pinagkakaguluhan ng mga beki

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGMUKHANG laos ang mga bagong BL films at BL internet series ngayon. May iba kasing hinahanap at pinagkakaguluhan ang mga bading. Hinahanap nila ang mga explicit content ng isang digital creator na taga-Singapore, si Titus Low na nahuli at kinasuhan pa sa Singapore dahil sa kanyang mga ginawang content. Ang masakit kasi dahil sa mga balita ang trending sa internet si Titus Low ay nakita nila na “mukhang matinee idol pala.” Parang si Gabby Concepcion noong araw ang dating siyempre nagkagulo naman ang mga bading hinahanap na nila ang “explicit content niya.” May lumabas kasi siyang pictures sa X, at hinahanap na nila ang videos. Pero hindi iyon afford ng mga  baklang parlor, dahil 20 dollars ang bayad para mapanood iyon. At alam naman ninyo sa PIlipinas, may nakapag-download na raw dito at ipinagbibili ng P100 ang limang video na ilalagay sa inyong flash drive. Alam naman ninyo ang mga Pinoy pagdating sa piracy.

Iyon daw ngayon ang pinagkakaguluhan ng mga bading sa mga pirate sa malls hinanap nila ang mga video ni Titus Low at mayroon naman basta limang video P100 walang pilian. Pero kung gusto raw ng bibili na makapili ang singil nila ay P300 sa limang video. Eh ang daming video niyang si Titus Low. Kaya sabi nga nila, “jackpot, parang noong bagong nauso iyong si Jeff Stryker.” Pumatok noon ang mga video pirate. Isipin ninyo ang legal na kopya ng VHS ni Stryker P1,000, eh may pirated na P200 lang.  Eh simula nang tumanda at malaos na si Stryker bagsak na ang negosyo ng mga porn pirates kaya ang pinipirata na lang nila ay mga local na scandal. Pero ngayong nauso si Titus Low, bagsak na naman ang mga local na gumagawa ng scandal. Pogi kasi talaga iyong Titus Low.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …