HATAWAN
ni Ed de Leon
MUKHANG tinuldukan na nga ng modelo at international beauty queen na si Priscilla Meirelles ang kanilang relasyon ng asawang si John Estrada at sinabi niya ng pabiro, “matagal na akong nagtiis pero hindi ko na kaya.”
Umalis na si Priscilla at umuwi na sa Brazil, sabay sabing, nag-divorce na raw sila ni John at ang divorce ay nangyari sa Boracay. Wala namang divorce sa PIlipinas pero ang tinutukoy niya ay ang pagbabakasyon ni John sa Boracay na may kasamang ibang babae na kinilala pa niya kung sino. Isang nagngangalang Lilli Han.
Alam din naman siguro niya ang istorya ni John hindi ba siya nga ang pinakisamahan niyon matapos na hiwalayan si Janice de Belen kung kanino siya may ilang anak? Eh kung ganoon ang simula ninyo ano nga ba ang aasahan mo?
The moral of the story is huwag pabigla-bigla sa pagkuha ng partner sa buhay. Pag-aralang mabuti iyan para walang sisihan sa huli.