HATAWAN
ni Ed de Leon
MAY isa kaming kaibigan na nagsabing ano raw kaya ang magiging reaksiyon ng mga Vilmanian kung masisilat ulit ang nomination ni Vilma Santos bilang National Artist?
Hindi nila matanong kung ano ang magiging reaksiyon ni Ate Vi dahil alam naman nilang siya iyong tao na hindi naman naghahabol ng awards at titles. Para sa kanya iyon lang makita niyang kumikita ang kanyang mga pelikula at nagugustuhan ng publiko ay sapat na. Iyan naman ang sinasabi ng mga basher niya, commercial films daw ang ginagawa niya at hindi gaya ng anito nila na gumagawa ng mga art film na hindi kumikita at ibinabasura ng mga sinehan.
Isa iyong lame excuse na basta hindi kumikita ang pelikula at ayaw ipalabas sa mga sinehan ang sasabihin ay “art film kasi.” Flop iyon walang gustong manood kaya ganoon, at silang mga akala mo nakaiintindi kung ano ang art film eh pito na lang yata silang natira. Kaya nga kahit na sa isang micro cinema na lamang cancelled pa sila.
Ganoon din ang sinasabi nila nang hindi man lang sila nominated sa The EDDYS na isa sa iginagalang at inirerespetong award. “Hindi raw marunong pumili.” Eh kaysa naman sa manalo ka ng award sa mga lagayan? Art films ba talaga? Bakit hindi rin naman considered sa ibang award giving bodies bakit doon lang sa malakas ang lagayan at bulungan?
Sabi ng aming source may mga “high placed” connections daw ang mga nasa kulto na nagsabing kaya nilang patayin ang nominations ni Ate Vi. So haharangin nila sa nomination pa lamang dahil oras na ma-nominate iyan tiyak namang idedeklarka siya ng presidente na national artist. Kaya dapat nominations pa lang maharang na nila.
Ipinagyayabang daw ng mga iyon na nagawa na nila iyan in the past, at mauulit nila ngayon. Iyon pala may political motivations din dahil sinasabi nga na noong nakaraan pumirma si Senator Ralph Recto sa committee report na isinumite ni Senator Richard Gordon tungkol sa Pharmally at hindi nagustuhan iyon ng nakaraang administrasyong pabor sa mga Intsik at siyang nagpapasok ng mga deal. Na nagbenta naman ng mahal na PPE, face mask at kung ano-ano pang medical supplies na mababa na ang kalidad, mahal pa. Ngayon may usapan pang iyang mga sangkot noon sa Pharmally na rumaket nang husto sa gobyerno ay may kinalaman pa pala sa mga illegal na operasyon ng POGO.
Kung totoo nga ang tsismis na nagkaroon ng ganoong political maneuver noon, maaaring totoo dahil nakita naman ninyo idineklarang national artist ni Presidente Digong si Nora Aunor na noong una ay ni-reject niya dahil sa kaso sa droga. Ang naging usapan nga hindi naman pala lahat ng may kaso sa droga tinotokhang, mayroong ginagawang national artist.
Pero sa totoo lang the least concerned si Ate Vi sa mga bagay na iyan kasi para sa kanya kung mayroong ganyang title so be it kung wala naman eh ‘di wala. Napatunayan na naman niya ang worth niya nang bigyan siya ng Lingkod Bayan Award, ang pinaka-mataas na pagkilala sa isang sibilyan ng presidente ng Pilipinas dahil sa tapat na paglilingkod sa bayan.
Honestly kahit nga kami rin hindi kami hahabol diyan sa national artist na iyan. Kung sasabihin na si Ate Vi ay nominated sa kagaya ng Ramon Magsaysay Awards baka nga mas ma-encourage pa namin, at sa kanyang estado, hindi malayo iyon.
Isipin ninyo, iyang Ramon Magsaysay Award na kinikilala sa buong mundo para ring nobel peace prize. Makakahanay ka talaga ng mga taong iginagalang sa buong mundo.
Kumbaga sa comparison parang si Princess Diana tapos itinapat mo kay Melai Cantiveros o kay Vice Ganda.
Pero tingnan natin kung magagawa pa nila iyan na ang nomination ni Ate Vi ay pinagtibay ng Aktor Phng iba pang malalaking personalidad sa industriya, mga producer at director bukod sa mga artista. Mga educator na naniniwala sa cultural at educational value ng kanyang mga nagawang pelikula, at mga samahang relihiyoso at sibiko na naniniwalang si Ate Vi ay magandang inspirasyon at halimbawa sa mga kabataang Filipino.
Sige harangin ninyo nomination lang naman iyan pero ang pagpapahalaga kay Ate Vi ng sambayanang Filipino ay hindi mawawala.