Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Itan Rosales

Itan Rosales bagong prinsipe ng Vivamax

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG-MASAYA ang guwapo at isa sa bussiest leadingman ng Vivamax si Itan Rosales dahil sunod-sunod ang proyektong ginagawa.

Bukod sa guwapo ito ay mahusay ding umarte kaya naman hindi ito nawawalan ng trabaho.

Isa sa pelikula nitong palabas ngayon sa Vivamax  ang Hiraya na prodyus ng 3:16 Media Network at idinirehe ni Sidney Pascua

Habang sa pelikulang Kaskasero naman ay makakasama nito ang dalawa sa mahusay na aktres sa Vivamax na sina  Christine Bermas at Angela Morena. Sa direksyon ni Ludwig Peralta.

Written by Quinn Carrillo at Sidney Pascua na prodyus pa rin ng  3:16 Media Network.

Kasama rito sa  pelikulang Uhaw kasama ang VMX Queen na sina Angeli Khang at VMX Princess na si Ataska na mula naman sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr..

Marami nga ang nagsasabing ito ang susunod sa yapak ng mahusay na aktor na si  Jay Manalo na mula sa pagpapa-sexy ay nakatawid sa pagiging drama actor. Flattered si Itan na siya ang susunod sa yapak ni Jay dahil alam naman nito kung gaano kahusay itong aktor.

Isa nga sa pangarap nitong makatrabaho ay ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na bukod sa maganda ay napakahusay ding artista para kay Itan.

Buong puso ang pasasalamat nito sa kanyang management, ang Viva at 3:16 Media Network , lalong-lalo na sa kanyang manager na si Len Carillo sa pag-aalaga sa kanya at sa pagbibigay ng advices at proyekto.

At sa dami nga ng proyektong ginagawa nito sa Vivamax ay masasabing ito na nga ang bagong prinsipe ng Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …