Sunday , December 22 2024
cyber libel Computer Posas Court

Batas laban sa Cyber Crime malabnaw

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAWAG ang aming pansin sa isang video na napanood sa programa ni Senador Raffy Tulfo. May anim na kabataang lalaki ang nagrereklamo laban sa isang “Talent manager kuno” na nangakong  sila ay pasisikatin at ikukuha ng mga sponsor. Pero kailangang magpadala muna sila ng mga litrato nila na hubo’t hubad at isang video nila na nagse-self sex. 

Iyan ay hindi lang kahalayan, iyong isa ay 17 taong gulang lamang kaya may kasama pa iyang abuse of minors. Ang gusto ng mga nagrereklamo ay mabura ang lahat ng kanilanag mga picture at video na nasa cellphone ng “talent manager kuno” at kung hindi magdedemanda sila.

In the first place bakit naman sila pumayag na maghubo’t hubad at tapos ay nag-self sex pa sa video para sa bading na talent manager? 

Masyado kasing maluwag ang batas dito sa ating bansa. Iyan ay isang cyber crime at kung ang mga ganyang kaso ay pinapatawan lang ng multa sa ibang bansa, rito sa PIlipinas ay itinuturing iyang krimen kaya bukod sa pagbabayad ng danyos ang gumagawa niyan ay makukulong din. Pero iyon nga malabnaw ang pagpapatupad ng batas sa Cyber Crime. Hindi pa kasi napag-aaralan ng mga abogado kung paano nga ba ang dapat gawin. At kung minsan kaya takot naman ang iba na magreklamo dahil lalabas na sila ay may kasalanan din.

Pero tingnan ninyo ang batas sa Singapore. Sa kanila hindi naman crime ang ganyan pero ang isang sikat na influencer na taga-Singapore ay nakasuhan at nakulong ng dalawang linggo at pinagmulta pa ng $3,000.

Ang influencer at content creator na si Titus Low ay sikat na sikat sa kanilang bayan. Milyon ang dami ng kanyang fans na lahat ay nakasubaybay sa kanyang mga ginagawang internet content. Pero mayroon siyang isang private account na siya ay gumagawa ng mga “explicit contents” at iyon ay nakalagay sa kanyang “only fans.” 

Mga consenting adults lamang at mga nagbabayad na subscribers ang nakakakita niyon, hindi iyon open sa publiko kaya kampante si Titus na hindi iyon labag sa batas ng Singapore. Pero may nakapagbukas niyon, nai-download ang kanyang video at sinasabing pinanood ng maraming minor na fans din niya. Nakarating iyon sa authorities, nagsagawa ng raid ang pulisya sa kanyang bahay na nakita ang mga ginawa niyang adult videos, kaya siya ay kinasuhan nakulong at pinagmulta pa.

Pero rito sa atin ang dami ring kumakalat na sex videos. Makikita mo iniaalok pa mismo ng mga gumagawa niyon sa internet, pero wala kaming nababalitaang nakakasuhan sa mga gumawa ng ganoon. Kalat na kalat ngayon ang video ng isang male starlet na lumalabas sa mga gay internet series, siya ang mismong nagbebenta ng kanyang videos, binabayaran siya sa pamamagitan ng GCash, at oras na matanggap niya ang bayad ipadadala niya sa pamamagitan ng messenger ang kanyang mga “explicit content” pero nakalulusot.

Mayroon pa nga rito gumagawa ng mga group chat sa internet at doon sila nakapagpapasahan ng mahahalay na video at kailangang magbayad ka para makasali sa mga group chat na iyon? Bakit nga kaya sa atin ay walang nahuhuling ganyan?

Kaya maski na iyong mga dayuhang gumagawa ng explicit content dito sa atin ipinagbibili ang kahalayan nila eh.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …