Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pulang Araw 2

Official primer ng bagong show ng GMA nakakikilabot

RATED R
ni Rommel Gonzales

VIRAL na sa social media ang official primer ng most important drama of 2024 na Pulang Araw! 

May million views na sa iba’t ibang social media accounts ng GMA Network ang 11-minute video na ipinasilip ang makulay ngunit madugong kasaysayan ng Pilipinas noong World War II. 

Opisyal na ring ipinakilala ang mga karakter nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, First Lady of Primetime Sanya Lopez, Pambansang Ginoo David Licauco, at Asia’s Multimedia Star Alden Richards, kasama si Kapuso Drama King Dennis Trillo in a very special role. Tampok din sa primer ang iba pang naglalakihang cast ng serye. 

Kasunod nito, todo-puri ang netizens sa serye at hindi na raw sila makapaghintay sa pagsisimula . Komento ng ilan sa Facebook page ng GMA Network, “World class! This is the new era of Philippine drama! A game changer in primetime. Keep on creating teleseryes like this, GMA!”

Bukod sa makabuluhang kuwento ng serye, talaga namang angat na angat din ang visuals nito! Sey tuloy ng mga Kapuso, “Napakaganda parang pelikula! GMA lang talaga ang may lakas ng loob na gumawa ng ganitong uri ng palabas. Grabe ang production value! Nakakakilabot. Mahusay ang effects, cinematography, at lahat ng historical scenes pinag-isipang mabuti.”

Huwag palampasin ang world premiere sa July 29 sa GMA Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …