MATABIL
ni John Fontanilla
NAKATUTUWA at kahanga-hanga ang katatapos na 60th Binibining Pilipinas Coronation Night na pinagsama-sama ang halos lahat ng nagwagi sa Binibining Pilipinas simula 1964 hanggang 2023.
Almost 100 plus ang mga beauty queens na dumalo na galing sa Binibining Pilipinas at binigyang Parangal ang mga ito mula kina Gloria Diaz, 1969 Miss Universe; Margarita Moran, Miss Universe 1973; Pia Wurtzbach, Miss Universe 2015; Catriona Gray, Miss Universe 2018; Mutya Datul, Miss SupraNational 2013; Aurora Pijuan, Miss International 1970; Melanie Marquez, Miss International 1979; Lara Quigaman, Miss International 2005; Bea Santiago, Miss International 2013; at Kylie Verzosa, Miss International 2016.
Kasama rin ang mga winner ng Miss Intercontinental na sina Karen Gallman, 2018 at Cinderella Faye Obeñita, 2021.
Marami nga ang humanga sa napakagandang presentation at bonggang set of Judges ng Binibining Pilipinas, kaya naman sana ay ibalik rito ang Miss Universe, Miss World, Miss Intercontinental, at Miss Supranational Philippines.
Anyway, ang mga nagsipagwagi ng 69th Binibining Pilipinas ay sina Myrna Esguerra, Bb. Pilipinas International; Jasmin Bungay, Bb. Pilipinas Globe; Christal Dela Cruz, 1st Runner Up and Trisha Martinez, 2nd Runner Up.