Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Libingan ni Rico Yan ‘di na inirerespeto

HATAWAN
ni Ed de Leon

DESMAYADO si Jessy Mendiola dahil sa nakita niyang internet content na ginagawang pasyalan ang libingan ng actor na si Rico Yan. Bakit nga naman gagawin iyong tila pasyalan? Hindi ba dapat ay inirerespeto naman ang libingan ng isang tao? Totoo na maraming fans ang nagmamahal kay Rico na maaaring gusto ring dumalaw sa kanyang libingan, pero sana gawin iyon ng may respeto at hindi gawing content lamang para dumami ang kanilang followers sa internet.

Isa lang iyan sa nakadedesmaya sa internet pero mayroon pang mas grabe, iyong mga gumagawa ng sexual content at ipino-post sa internet tapos ginagawang hanapbuhay dahil iniaalok nila ang full version ng kanilang sex video kapalit ng halagang ibibigay naman sa kanila sa pamamagitan ng GCash.

Ang internet ay hindi lamang pinagmumulan ng mahahalay na panoorin at mga fake na produkto at gamot na ibinebenta nila. Bukod sa panloloko sa kapwa, iyang mga may negosyo sa internet ay walang resibo, ibig sabihin hindi iyan nagbabayad ng tax, sa mga bahay-bahay lang iyan na ni walang business permit.

Ang matindi pa ay ang prostitusyon. Makikita mo ang diretsahang pag-aalok ng panandaliang aliw ng mga babae at maging mga lalaki sa internet. May mga rider na sinasabing maaaring “magbigay ng extra service.” May mga babaeng nag-aalok din ng masahe na may “happy ending.” Lahat iyan ay nasa internet.

Kaya mga magulang ingatan ninyo na baka kung ano na ang nakikita ng inyong mga anak sa internet.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …

Zoren Legaspi Mavy Cassy Carmina Villarroel

Hating Kapatid good venue para maipakita ibang side ng Legaspi family

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG malaking blessing para kay Cassy Legaspi, ang GMA drama series na Hating Kapatid sa kanilang …

Mentorque GMA Pictures 58th Huwag Kang Titingin Ella Arcangel

Mentorque at GMA movie star studded

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong …