Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez

Teejay balik- Indonesia nag-endoso ng sikat na hotel 

MATABIL
ni John Fontanilla

NAKABALIK na sa bansa si Teejay Marquez na ilang araw na namalagi sa Indonesia para sa isang malaking proyekto.

Hindi nga lang sa Pilipinas mabentang kuning ambassador si Teejay, dahil maging sa Indonesia, Malaysia, at Thailand ay mabentang-mabenta ang aktor.

At ang latest nga ay kinuha si Teejay na mag-promote ng isang sikat na hotel sa Indonesia.

Bukod sa nasabing project ay marami pang pending work sa Indonesia si Teejay  katulad ng mga pelikula at teleserye na hindi maumpisahan dahil sandamakmak din ang mga project na ginagawa sa Pilipinas. 

Ayon kay Teejay, “Happy ako dahil kahit matagal akong nawala sa Indonesia ay may mga project pa rin silang ino-offer sa akin.

“Sabi nga nila naghihintay lang sila ng availability ko para magawa ko ‘yung pelikula at teleserye  and may inquiries na guesting din sa mga show doon.”

Dagdag pa ni Teejay, ” At kahit fans ko nga ay miss na miss na ako at inaantay na ‘yung mga project na gagawin ko sa Indonesia.

“Pero right now kasi mas priority ko ang mga project sa Pilipinas. Siguro kapag wala na talaga balik na ako sa Indonesia.

“And gusto ko ring tutukan muna ang business ko rito sa Pilipinas at ‘yung ipinagagawa kong bahay.”

Sa ngayon nga ay waiting lang si Teejay sa susunod niyang serye pagkatapos ng matagumpay na pagpapalabas ng hit afternoon serye na  Makiling.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …