Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dapat Alam Mo Susan Enriquez Kuya Kim Atienza.

Tandem nina Susan at Kuya Kim winner sa viewers

RATED R
ni Rommel Gonzales

MA-ENTERTAIN habang natututo ng maraming bagay Ito ang hatid ng  news magazine show na Dapat Alam Mo! nina SuKi – Susan Enriquez at Kuya Kim Atienza.

Simula 2021 ay tinatangkilik na ito ng mga manonood, bata man o matanda. Hitting two birds with one stone nga naman kasi ang programa dahil kaya nitong maghatid ng mahahalagang impormasyon habang nagpapangiti at nagpapatawa tuwing hapon.

Sey nga ni Susan, “Bukod sa naghahatid tayo ng mga balita at impormasyon, na-e-entertain ka pa dahil naglalagay tayo ng mga portion or segment na nakare-relate ang ating mga viewer. Ang pinakamaganda na segment dito, nagbibigay tayo ng tamang impormasyon doon sa mga kumakalat na fake news at naitatama natin at naibibigay ang tamang balita at kaalaman sa ating mga manonood.”

Share naman ni Kuya Kim, “Ang ‘Dapat Alam Mo!,’ habang natututo ka ay naaaliw ka, nalilibang ka. At ito ay very diverse, it’s not just a straight news show or infotainment show, it’s actually a magazine show. So, bukod sa mga hard news na nakikita natin sa features natin, mayroon pa tayong mga guest. A lot of things are outside the box. Kumbaga, hindi expected at ‘pag napanood mo rito, maaaliw ka at matututo ka – ‘yun ang maganda rito.”

Kaya naman, mga suki, huwag palampasin ang Dapat Alam Mo!, weekdays, 5:30 p.m. sa GTV

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …