Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
BI7IB Raymond RS Francisco Atty Aldwin Alegre Atty Honey Quiño

Newbie P-Pop boy group gustong makilala international tulad ng SB19

MARAMING plano ang AQ Prime Music, ang management ng P-Pop Boy Group, ang BI7IB na may bagong single na Say Watcha Wanna Say.

Ayon sa mga big boss ng AQ Prime Music na sina Atty. Aldwin Alegre, Atty. Honey Quiño, at Frontrow President Raymond RS Francisco, marami silang magagandang plano ngayong taon sa grupo.

Gusto nga ni RS na after ng promotion ng awiting Say Wactha Wanna Say ay tatlong kanta pa ang i-record ng grupo ngayong taon.

Samantalang sabi naman ni Atty. Honey, maraming shows ang naka-line up sa BI7IB na dapat abangan ng kanilang mga supporter.

Pangarap ng grupo ang makilala sa international scene katulad ng SB19 at makapag- perform sa iba’t ibang bansa.

Ang BI7IB ay binubuo nina Yukito Kanai (leader), Zio (rapper), JMAC Sangil (lead dancer), RC Coronel (visual), Clyde Ballo (main dancer), Carlo Samson (lead vocals), at Rafael Mumar (main vocals).

Ang Say Watch Wanna Say ay available na sa lahat ng streaming apps. Mapapanood na rin ang kanilang music video sa Youtube.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …