RATED R
ni Rommel Gonzales
MATAGUMPAY ang pagsisimula ng murder mystery series na Widows’ War sa GMA Prime.
Panalo sa ratings, certified trending, at kaliwa’t kanan din ang papuri ng viewers para sa serye. Simula pa lang, natunghayan na ng mga Kapuso ang bardagulan at walang kupas na aktingan nina Bea Alonzobilang Sam at Carla Abellana bilang George.
Very hooked din ang mga manonood sa ganda ng cinematography ng serye. Talaga namang expensive ang visuals nito na swak sa kuwentong iikot sa mayamang pamilya ng mga Palacios.
Komento ng netizens sa GMA Drama’s Facebook page, “Promise maganda siya! Ang ganda ng mga kuha ng camera, texture, cinematography, lahat-lahat na. Iba talaga si Direk Zig Dulay maglagay ng emotions sa mga eksena. Ang daming nangyayariiii.”
Dagdag pa ng ilan, “Ang gripping ng storyline. Fast-paced yet smooth-like-butter ang storytelling. Brilliant acting masterclass from THE Bea Alonzo and THE Carla Abellana. “Widows’ War is superb! ‘Di niyo kami binigo, GMA. Congrats sa lahat ng cast and staff!”