ni Ed de Leon
TALAMAK pa rin ang bawal na gamot sa industriya ng entertainment sa ating bansa.
Nabalita ang paggamit daw nito na mukhang kinukunsinti ng mga producer sa set ng isang gay series. Ang katuwiran daw ng mga gumagamit: ”pampalakas ng loob iyan sa ginagawa naming sex scenes.”
Kaya pala parang hindi sila nahihiya maglabasan man ang kanilang private parts sa mga pelikulang kanilang ginagawa. Nasa impluwensiya pala sila ng bawal na gamot. Ngayong kumakalat na ang mga ganyang balita hindi ninyo masasabi kung isang araw pasukin na lang ng mga pulis ang shooting ng mga ganyang pelikula lalo na ang mga pelikulang pambakla na talamak umano ang gamit ng droga.
Oras na mangyari iyan malaking eskandalo na naman para sa hindi pa makabangon ang industriya ng pelikula.