Sunday , December 22 2024
Vilma Santos Nora Aunor

Nora sinuweto fans na nagnenega kay Vilma para maging National Artist

SALAMAT na “finally” ay nagbigay na ng payo at pakiusap si Nora Aunor para sa kanyang mga tila ayaw paawat na fans and supporters.

May mga malalapit din kasi kaming kaibigan na Noranian kaya’t bilang pag-respeto rin sa kanila, nais naming ibahagi ang mensahe ni Ate Guy sa kanyang mga supporter na nakikipag-bardagulan sa mga kapwa Vilmanian hinggil pa rin sa usaping National Artist. 

Sobrang big deal kasi para sa mga Noranian ang kontrahin, harangin o pintasan ang ginawang nominasyon ng Aktor.ph at iba pang mga grupo na nag-endorse kay Vilma Santos para sa Pambansang Alagad ng Sining.

Narito nga ang mensahe ni ate Guy, “Sana huwag kayong magagalit sa ate Guy ninyo. Ramdam ko kayong lahat na nagtatanggol, nagmamalasakit at nagmamahal sa akin. Sa ngayon ako na ang nakikiusap sa inyo. HUWAG NA PO KAYONG MAGSALITA…HUWAG NA PO KAYONG MAG KOMENTO. Hindi sila titigil kapag hindi kayo tumigil. Mahirap dahil mga kapwa artista ang mismong nagtatanggol sa kanila. Hayaan nyo na..karapatan nila yon.”

O hayan ha. Ang ate Guy na ninyo ang nagpapayo ng ganyan ha. Bigyan naman ninyo siya ng kahihiyan kung kakaiba man ang pag-intindi ninyo ng respeto at pagmamahal sa inyong idolo.

About Ambet Nabus

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …