MA at PA
ni Rommel Placente
STAR-STUDDED ang birthday at binyag ng anak nina Patrick Sugui at Aeriel Garcia na si Olivia.
Sa photos na kuha ng NicePrint Photography, na ipinost ng mag-asawa sa kanilang Instagram page, makikita rito ang mga larawan ng mga ninang at ninong ni Olivia, ang celebrity friends nina Patrick at Aeriel na sina Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Julia Barretto, Dominic Roque, Issa Pressman, at Ria Atayde.
“Grateful beyond words for our wonderful friends and family who joined us in celebrating our daughter’s first birthday and dedication ceremony,” caption ni Aeriel.
“Your love and support made this day unforgettable,” dagdag pa niya.
Ang mga ninong at ninang ni Olivia except Julia and Issa ay members ng Nguya Squad, na kabilang din dito ang dating magka-loveteam at magkarelasyon na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Kaya ang ibang netizen ay hinahanap ang KathNiel sa christening ni Olivia.
Sabi ng iba, nag-iwasan daw ang KathNiel kaya hindi sila nagpunta sa binyag ni Olivia.
Totoo nga kaya ito,o baka naman may naunang natanguang commitment ang dalawa?