SINUPORTAHAN ng film producer na si Bryan Dy ng Mentorque Productions na siyang producer ng award winning film at nag-number 1 sa Netflix na Mallari sa katatapos na Miss Lipa Tourism 2024.
Isang proud Batangueño si Bryan na taga-Lipa City, Batangas. Kaya naman suportado nito ang lahat ng events sa Lipa katulad ng Miss Lipa Tourism 2024 na pinagwagian ng pambato ng
Brgy. Tambo na si Bless Hermie Lamang na ginanap sa Lipa Plaza Independencia. Hosted by Kitt Cortez at Joy May Anne Barcoma.
Bukod sa titulong Miss Lipa Tourism 2024 ay nakuha din nito ang dalawa sa major awards ang Best in Swimsuit at Best in Evening Gown.
Itinanghal namang 1st runner up si Gweyneth Padilla ng Brgy Balintawak, 2nd runner up si Abby Caraig ng Brgy Rizal, 3rd runner up si Clarissa Daniella Ching ng Brgy Tambo, at 4th runner up si Patrici Basanes ng Brgy. Sabang.
Ang Miss Lipa Tourism 2024 ay inorganisa nina Councilor Venice Manalo (chairman, Committee on Tourism) at Joel Pena (President ng Lipa City Tourism Council) sa tulong ni Lipa Mayor Eric Africakasama ang kanyang mga iba pang konsehal.
Ang Miss Lipa Tourism 2024 ay sinuportahan ng Big Ben Complex kasama ang Go Bamama, Tess Marias Rotisserie, Jorge’s Casa de Sansrival, Siomai King, Big Ben Lipa, Perfected Skincare, Frontrow Big Ben Lipa, at Ijo Bakery.