Sunday , December 22 2024
Queen Rodriguez Act-Agri Kaagapay Ricky Reyes

Virginia Rodriguez at Act-Agri Kaagapay, makabuluhan ang  layunin

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAKABULUHAN ang layunin at adbokasiya ng Act-Agri Kaagapay na pinamumunuan ng founder at president nitong si Virginia Ledesma Rodriguez.

Isinusulong ni Ms. Rodriguez at ng Act Agri-Kaagapay ang paggamit ng organic fertilizer dahil bukod sa mas mura ito, mabuti rin para sa kalusugan.

Esplika niya, “Hinihingi ko po ang suporta ninyo sa amin sa pagsulong po ng organic fertilizer. Ito po ang solusyon para mapababa po natin iyong presyo ng mga pagkain at para mawala po iyong cancer, kasi po ay organic po ito.

“Samahan po ninyo akong isulong ito sa kongreso dahil mayroon po tayong mga kaibigang scientist na hindi po nabigyan ng opportunity noon na makatulong sa bansa. Dito po sa isusulong natin, binigyan po natin sila ng pagkakataon para makatulong sa bansa, gamit ang mga sangkap na nasa paligid lang natin, galing lang po iyan sa mga waste materials. 

“Ito po, malaki po ang maitutulong nito para mapababa ang price ng pagkain at para mawala po ang cancer na nasa pagkain natin ngayon. Kasi po karamihan ng kinakain natin ngayon, napakatatapang po ng mga fertilizer na ginamit d’yan. Iyan po ang karaniwang cause ng cancer, galing po iyan sa mga kinakain natin, so dapat tayong mag-ingat.”

Pagpapatuloy na paliwanag pa ni Ms. Rodriguez, “Kung maisusulong po natin ang organic fertilizer sa kongreso, malaki ang maitutulong nito sa bansa at sa atin dahil organic po ito at mas mapawawala natin ang cancer dahil gawa po ito sa waste materials. At mapabababa po natin ang price ng pagkain, gamit ang organic fertilizer.

“Kung iko-compare ninyo kasi ang price ng organic fertilizer, P500 per sack lang iyan at dalawang ektarya na po ang matataniman. Pero ‘yung may kemikal po na ginagamit ngayon, nasa P3,000 to P8,000 po ang price, napakalayo po. Kaya sana po ay makita ninyo ang halaga at price ng organic at imported fertilizer.

“So, samahan n’yo po kami na maisulong ito para mapababa natin ang presyo ng mga pagkain at para maiwasan po ang cancer. Maraming salamat po sa pag-imbita ninyo sa akin,” sambit pa ni Ms. Rodriguez na isa sa special guests ni Mader Rickey Reyes sa ginawang Gift Giving and Feeding project ng aming media group na TEAM (The Entertainment Arts & Media) sa mga batang may cancer sa Child Haus na si Mader Ricky ang tumatayong guradian angel.

Anyway, ang Act Agri-Kaagapay Organization na may kabuuang 800,000 miyembro sa buong bansa ay isang non-government organization na nagsusulong ng kapakanan ng maliliit na magsasaka, mangingisda, at indigenous peoples (IPs)

Ito ay binubuo ng mga eksperto mula sa academe, scientists, seasoned farmers, local leaders, former government officials, at stakeholders na naglalayong isulong ang inklusibong paglago ng pagsasaka sa pamamagitan ng modernisasyon at industriyalisasyon.

Si Ms. Rodriguez ay walang sawang bumibisita sa malalayong lalawigan at mga komunidad upang tumulong na mapataas ang kita ng maliliit na magsasaka at mabigyan ng pagkakakitaan ang mga kababaihan, sa pamamagitan ng paglikha ng mga programang pangkabuhayan, gaya ng “Gunting at Suklay” at produksiyon ng organikong pataba.

Si Ms. Rodriguez ay isang civic leader na nagsusulong ng konstruksiyon ng mas maraming farm to market road para mas madali at direktang maipagbili ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto sa mga mamamayan. Ang layunin niya ay malaking tulong upang mapababa ang presyo ng mga agricultural products para sa consumers, dahil hindi na ito kinakailangan pang dumaan sa mga middleman.

Siya ay dating reporter din, matagumpay na negosyante, at pilantropo na author ng librong “Leave Nobody Hungry,” na ginagamit ngayong gabay ng maraming magsasaka hinggil sa pagpapalaganap ng organic farming sa bansa.

Maaaring makita ang iba pang aktibidad ng ACT-Agri Kaagapay sa Facebook page ni Ms. Rodriguez na Queen Vi Rodriguez.

About Nonie Nicasio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …