Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina

Ara Mina may itinatagong special talent

ni Allan Sancon

FIT na fit humarap sa entertainment press ang dating  Sex Goddess-turned-actress singer na si Ara Mina para sa press conference ng kanyang nalalapit na 30th Anniversary Concert sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts, Pasay City, ang All Of Me sa July 11, 2024, 8:00 p.m..

Isa sa paghahanda ni Ara sa kanyang concert ay ang intense work out kaya kitang-kita namang pumayat at  very sexy ang singer-actress.

Natanong namin kay Ara kung ano ba ang top 5 highlights of her career sa kanyang 30th anniversary sa showbiz.

Una ‘yung naging part ako ng ‘That’s Entertainment.’

Pangalawa, ‘yung pagre-launched sa akin sa pelikulang ‘Maldita’ kasi from teeny bopper to sexy actress at tinawag pa na Sex Goddess of Philippine Entertainment.

“Pangatlo, ang pagkakaroon ko ng album at nabigyan ako Gold Record award dahil sa aking kantang ‘Ay, Ay, Ay, Pag-ibig’ at nasundan pa ng another album. Bale na established ako bilang singer.

“Fourth ay ang pagkakaroon ko ng best actress award sa pelikulang ‘Mano Po.’ Kumbaga, from sexy actress ay nakatawid ako bilang versatile actress.

“Lastly, fulfillment din ‘yung maging host ako ng sarili kong talk show program sa Net 25, ang ‘Magandang Araw.’l

Nabiro tuloy namin si Ara kung sino naman ang top 3 boys na very memorable part ng kanyang lovelife at pabiro naman niyang sinagot na, “Una siguro ‘yung  time ng ‘That’s Entertainment’ na may nagsuntukang dalawang boys dahil sa akin (sabay tawa). Pangalawa siguro si J.Y. (Jomari Yllana) at pangatlo,  siyempre itong napangasawa ko na si Dave Almarinez.”

May mga pasabog na performances si Ara sa concert niyang ito na bukod sa pagkanta at pagsasayaw ay may hindi pa nakikitang surprise talent ang aktres na ngayon lang mapapanood ng kanyang mga tagasubaybay.

Magiging guests ni Ara sina Martin NieveraCristine Reyes, Ogie Alcasid at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …