RATED R
ni Rommel Gonzales
KAHIT may kanya-kanyang karelasyon sa tunay na buhay, walang dudang malakas ang chemistry nina Barbie Forteza at David Licauco.
Katunayan, sa unang pagkakataon ay magtatambal sila sa isang pelikula shot in Seoul, South Korea, ang That Kind Of Love.
Kaya nararapat lamang na tanungin, ano ang “kind of love” na namamagitan kina Barbie at David?
“The kind of love that I have for David is… ano siya, hindi agad-agad,” pakli ni Barbie.
“Pero noong na-reach na namin ‘yung level ng friendship na kailangan namin to make the partnership work, the love I have for David is more like…
“Feeling ko, mas nagiging ano ako, eh, taga-guide, ganyan. ‘Yung taga-support… na-experience ko ‘yun noong nag-Canada kami, nag-Sparkle tour kami sa Canada.
“Na parang I really went out of my way to support him onstage as we all know na medyo mahiyain ang ating ginoo.
“So ‘yun, I think it’s more of that. It’s more of showing my support sa kanya sa abot ng makakaya ko kapag magkasama kami.
“Para mas mag-work ‘yung loveteam namin.”
May intimate scenes sila sa pelikula.
Nang tanungin kung paano nila iyon pinaghandaan, tumatawang sagot ni Barbie, “’Yun, manghihiram siya ng toothpaste.”
Pambubuking pa ni Barbie kay David, “Isang beses, pumapasok sa standby area ko ang make-up artist ni David.
“‘May toothpaste ka ba riyan? Kailangan daw ni David.’ Uy, nag-prepare, uy, nag-expect.
“’Yung mga ganoon, which I appreciate naman. Siyempre, ang hirap ng intimate scenes, tapos may ganoon,” saad ng aktres.
Direkta naman sila pagdating sa atake sa love scene.
Sabi ni Barbie, “And siyempre, pinag-uusapan namin, lalo na kapag masyadong intimate ang eksena, pinag-uusapan namin para komportable kami all throughout ng eksena, ‘di ba?
“Walang mga surprise na mangyayari kaya mas komportable kami.
“Siguro, nagiging maganda rin ang output niya kasi pareho kaming confident at comfortable sa mga intimate scene namin.”
Ang That Kind of Love ay idinirehe ni Catherine Camarillo, at nasa cast din nito sina Kaila Estrada, Al Tantay, Arlene Muhlach, at Ivan Carapiet.
Ang premiere night nito ay sa Hulyo 4 sa SM Megamall. Showing ito sa mga sinehan umpisa Hulyo 10.