Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aliya Rohilla Ms Manila

Miss Sta Cruz, waging Ms. Manila ‘24

HIGIT na nanaig ang ganda, talino, at halagahang may pagkilala sa kakayahang magbahagi ng lakas at pamumuno nang itanghal na Miss Manila 2024 si Aliya Rohilla ng distrito ng Sta. Cruz. 

Nangibabaw si Rohilla sa 100 kababaihan sa Maynila na naunang nag-apply para sa prestihiyosong titulo.

Personal na iginawad ni Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kay Rohilla ang korona, titulo,  pulumpon ng sariwang bulaklak at P1 milyong tseke, pati sa ibang nagwagi sa gabi ng koronasyon noong Sabado ng gabi, 22 Hunyo, sa iconic na Metropolitan Theater.

Sinabi ng babaeng alkalde mayroong malaking tungkulin na nakaatang sa balikat ni Rohilla bilang “The Face of Manila” sa buong taon ng kanyang pag-upo sa trono bilang Ms. Manila 24.

Binati ng lady mayor si Rohilla pati na rin ang ibang nagwagi na sina Miss Manila 2024 2nd Runner Up – Daniella Moustafa, Tayuman; 1st Runner Up – Jubilee Acosta, España; Miss Manila Charity 2024 – Xena Ramos, Sta. Ana, at Miss Manila Tourism 2024 – Leean Jame Santos, Manuguit.

Nagpahayag ng pagmamalaki si Lacuna sa 24 finalists na tinaguriang “Women of Worth” na pinagsikapang paghandaan ang kanilang laban para masungkit ang pamosong korona ng Miss Manila.

Ayon kay Department of Tourism, Culture and the Arts of Manila (DTCAM) chief Charlie Dungo, ang korona ay idinisenyo ng kilalang jewelry designer na si Manny Halasan.

Nagsilbing hurado sa nasabing timpalak sina Atty. Annette Gozon-Valdes, President, GMA Films and GMA Worldwide;  Joy Marcelo, Vice President, Sparkle GMA Artist Center; Reghis Magdangal Romero II, founder, RMR Capital, Inc.; Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo, at Ms. Charo Santos-Concio, member, Board of Directors, ABS-CBN.

Naging performers ang millennial singer-songwriter na si Jeremy G., Kapuso Soul Princess Thea Astley, Romantic Crooner David Young, and Miss Manila 2023 Gabrielle Lantzer, kasama rin ng alkalde  sa pagpuputong ng korona para sa bagong  Miss Manila 2024 sa entablado.

Sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel, at Kapuso star Gabbi Garcia ang nagsilbing host ng nasabing timpalak.

Ayon kay Lacuna, ang lahat ng contestants ay pasok sa criteria na itinakda tulad ng single, female, between 18 and 30 years old, bonafide resident ng Maynila at higit sa lahat ay kumakatawan sa “values of empowerment and leadership.”

Sinabi ng alkalde, ang pageant ay project ng city government na naghahanap ng Manileña na kakatawan sa “values of empowerment and leadership to deliver meaningful contribution to her fellow Manilans.”

“A Miss Manila must be a ‘woman of worth’ who is true to herself and who has to love herself first before she can love others, embody the traits of a true Manileña and must be  a strong advocate of all the rights of all women, a true leader, a nurturer and a change maker,” pagbibigay diin ng alkalde.

Ang timpalak ay nagsimula noong 1998 sa panahon ni Mayor Alfredo Lim,  pero itinigil dahil sa pandemya at muling binuhay ng Lacuna administration.

Mula sa top 100 na napili sa online application, ang Top 50 ay pinili sa face-to-face audition ng Miss Manila Executive Committee hanggang manaig ang 24 finalists. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …