Friday , November 15 2024
Balon

Magulang tiwalang anak nasa kapitbahay  
1-ANYOS PASLIT NA LALAKI NAHULOG SA BALON PATAY

PATAY ang isang taong gulang na paslit na lalaki matapos mahulog sa isang balon sa Brgy. Cabadiangan, sa lungsod ng Himamaylan, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Biyernes ng umaga, 21 Hunyo.

Ayon kay P/Lt. Col. Anthony Grande, hepe ng Himamaylan CPS, natagpuang walang malay ang biktima sa loob ng isang balon may isang oras matapos magsimulang hanapin siya ng kanyang pamilya.

Ani Grande, inutusan ng kanilang mga magulang ang 12-anyos na anak na hanapin ang nakababatang kapatid upang kumain ng almusal ngunit hindi ito sinunod ng kuya ng biktima.

Nagpatuloy sa pagkain ng almusal ang pamilya sa paniniwalang nasa kapitbahay ang kanilang anak.

Nalaman lamang ng mga magulang na nawawala ang kanilang paslit na anak nang sunduin sa kanilang kapitbahay.

Dinala ang biktima sa pagamutan kung saan siya idineklarang wala nang buhay.

Nabatid na anim na metro ang layo mula sa bahay ng biktima ang walang takip na balon na may lalim na lima hanggang anim na talampakan.

Dagdag ni Grande, halos puno ng tubig ang balon dahil sa mga pag-ulan ng mga nakaraang araw.

About hataw tabloid

Check Also

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …