MATABIL
ni John Fontanilla
GRABENG kilig ang hatid ng kauna-unahang pelikula ng tambalang Barbie Forteza at David Licaucona That Kind Of Love na produced ng Happy Infinite Productions and distributed by Regal Entertainment at idinirehe ni Catherine Camarillo.
Sa naganap na grand mediacon ng That Kind Of Love, sinabi nina Barbie at David na malaking factor sa tagumpay ng kanilang loveteam ang pagiging malapit nilang magkaibigan kaya wala ilangan pagdating sa mga sweet na eksena sa mga proyekto nilang pinagsasamahan.
Pag-amin ni David, marami siyang natutunan kay Barbie pagdating sa pag-arte dahil alam naman nito kung gaano kahusay na artista ang aktres.
At habang tumatagal ay nakikita ni Barbie ang growth ni David bilang actor. Mas humuhusay ito ngayon na makikita sa kanilang pelikula at sa GMA serye na Pulang Araw.
Sa That Kind Of Love ay tripleng kilig ang mararamdaman ng manonood kina Barbie at David kompara sa mga nauna nilang proyekto lalo na ang ilan sa mga eksena pa ay kuha sa mga romantic place sa Korea.
Kaya naman bukod sa ganda ng movie, makikita rin ang magagandang lugar sa Korea na napanood natin sa mga hit Korean novela na ipinalabas dito sa Pilipinas.
Makakasama rin sa pelikula sina Divine Aucina, Al Tantay, Arlene Muhlach, Jef Gaitan, Ivan Carapiet, at Kaila Estrada.
Ang That Kind Of Love ay mapapanood sa July 10 in Cinema’s nationwide.