Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
AR dela Serna Harry Roque

Sino nga ba si AR dela Serna na laging kasa-kasama ni Harry Roque sa Europe?

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY ilang nagpadala sa amin ng messages ilang araw na at nagtatanong kung sino raw ba ang modelong si Albert Rudolph dela Serna na umano ay kasama ng dating presidential spokesman Harry Roque sa kanyang trip sa ilang bansa sa Europa. Umano ang lahat ng gastos ni dela Serna sa eroplano, pagkain, medical expenses at kung ano pa ay sagot ni Roque. Iyan namang mga bagay na iyan ay nakita sa isang nasamsam na papeles sa isang POGO sa Porac, Pampanga.

Pero ano ba ang masasabi namin diyan, hindi naman kami mahihilig sa mga modelo o male pageants para makilala si dela Serna. Noon namang panahon ni Presidente Duterte ay hindi naman kami nag-cover ng Malacanang para makasalamuha si Roque. 

So, gumawa rin kami ng research. Ayon sa record si dela Serna at isang modelo at winner ng isang male pageant, iyong Mr. Supranational at nagtrabaho rin sa ilalim ni Roque bilang Executive assistant III na may suweldong P54k buwan-buwan mula January 4 hanggang December 31, 2021.

Ibig sabihin, si dela Serna ay hindi isang medical practitioner at kung bakit siya sa halip na isang doctor o isang nurse ang piliin ni Roque para makasama abroad dahil siya ay isang diabetic at may sakit din sa puso, hindi natin alam.

Maraming dahilan eh, maaaring sila nga ay madalas magkasama at alam na niyon kung ano ang gagawin at gamot na gagamitin kung magkaroon ng emergency si Roque. Maaaring si dela Serna rin ang nabigyan ng instruction ni Roque kung sino ang mga dapat tawagan agad kung mayroon siyang emergency. May mga taong pinagtiwalaan mo ng ganoon eh. Kami man may isang kaibigan na nakaaalam ng lahat ng sakit namin at kung ano ang gagawin sa panahon ng emergency, hindi rin naman siya isang medical practitioner.

Iyon lang ang alam namin sa mga bagay na iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …