Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Marcia Joel Lamangan Ataska Cariz Manzano

Newbie actor inapuntahan ng takot at kaba kay direk Joel

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TAWANG-TAWA kami nang makatsikahan ang isa sa mga alaga at ipinagmamalaki ng manager na si Lito de Guzman na si John Marcia.

Dahil si Joel Lamangan ang direktor niya sa pelikulang Sisid Marino sa Vivamax, inapuntahan ng  balde-baldeng kaba at takot ito nang masalang na sa eksena. At isang maselang eksena pa man din ito. Breakdown!

Pero hindi siya natakot sa inaasahang ibubuwelta sa kanya ng premyadong direktor na kilala sa pambubulyaw sa mga artista at madaling pag-init ng ulo. Noon.

Biglaan kasing nagdesisyon itong magsabing ‘di niya kayang gawin ang eksena. Drama ‘yun ah! Iiyak. Magwawala. Emosyong mahirap ibuga.

But because nawala na kay direk Joel kundi man nabawasan ang pagiging mataray, pinakinggan niya ang aktor niya. Inalam kung bakit inaapuntahan ito ng kaba at takot. At isinangguni rin niya ito sa producer ng pelikula na si LDG. Para ito mismo ang kumalma sa kanyang alaga.

Maski na gastos ang ibig sabihin ng pagpapaliban muna sa eksenang kukunan kay John, pumayag si Lito. At binigyan ni direk ng panahon si John na kalmahin ang sarili para makapag-isip ng tama sa gagawing desisyon.

‘Yun lang pala ang hinihintay. Kaya nang bumalik ito sa set, desididong-desidido na  itutuloy na talaga ang pag-arte. Sinuportahan naman siya ng mga kasama niya sa pelikula. Gaya nina Ataska at Cariz Manzano. 

Natuwa na siyempre ang manager cum ptoducer na si LDG (not LPG) dahil naintindihan na ni John ang mundong pinapasok niya. Lalo na sa mga gastusin na hindi madaling gawin.

Natuwa si direk Joel dahil alam niyang sa pagpiga kay John ay lumabas ang kakayahan nito sa pagsakay sa papel niya bilang isang marinong kay daming paghamon ang kinaharap sa pagbabalik sa piling ng asawa at anak. 

Bahagi rin ng bagong tatak na Magic Voys ni LDG si John. Ito na ba ang kakabog sa nagawa ni LDG para sa Wonder Gays several years back na sumikat sa single nilang  Blind Item?  

Wag Mo Akong Titigan naman ang panlaban nila sa Viva Records.

Samantala, makisisid na kasama ang iba pang cast gayanina Julia Victoria, Juan Calma, at Jim Pebanco. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …