I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKALULULA ang kinita ng foreign film na Inside Out 2 na ipinalabas last June 12.
Ayon sa Facebook ni Atty. Joji Alonso na isang film producer, almost P90-M ang gross nito sa unang araw.
“So people do watch films they like. Regardless of ticket prices. What’s next for Filipino films?” komento ng lawyer-producer.
May nagkomento na holiday daw kasi noonh opening day. Pero tugon ni Atty. Joji na may mga kumitang movies na Wednesday ang opening kahit hindi holiday noong bago mag-pandemic.
Hindi isyu ang presyo ng ticket sa sinehan kapag gusto ng taong panoorin ang movie, local man o foreign.