Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wize Estabillo

Bidaman Wize inalok ng P1-M kapalit ng one night stand

MATABIL
ni John Fontanilla

DAGSA ang natatanggap na indecent proposal ni Wize Estabillo sa kanyang mga social media account.

Simula nga raw mag-post ito ng mga content video na naka-topless o minsan ay naka-boxer, dumagsa ang mga nag-o-offer ng kung ano-ano kapalit ng date o one night stand.

May mga nag-o-offer din daw ng P1-M, bahay, kotse, alahas atbp..

Ani Wize, “Nagulat nga ako kasi dati wala naman akong natatanggap na indecent proposal, pero simula ng medyo magpa-sexy ako sa mga content ko sa social media biglang may nag-offer ng kung ano-ano.

“Mayroo  pa ngang nag-offer ng P1-M for one night stand, napa-isip nga ako na biruin ko kaya na magbigay mums ng down, mga half a million, kaya lang baka kumagat at mag-down nga yari ako.

Iyong iba naman kotse, bahay, alahas o kaya trip abroad, pero alam ko naman ang gusto nila kaya ‘di ko na lang sinasagot, baka kapag sinagot ko baka isipin na game ako sa offer nila.

“Hindi naman ako against sa mga gina-grab ‘yung mga ganoong offer kasi diskarte at buhay naman nila ‘yun, pero ako kasi mas gusto ko na magtrabaho nang magtrabaho para makuha ko mga gusto ko sa buhay, matagal pero alam kong galing sa pinagtrabahuhan ko ‘yun,” ani Wize.

Bukod sa regular itong napapanood sa It’s Showtime Online ay madalas din itong kuning host sa iba’t ibang pageant sa bansa.

Sa ngayon ay nasa Japan si Wize para sa ilang araw na show kasama ang mahusay na singer na si Jed Madela.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …