I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay officials sa Manila.
Nagpatawag si Rep. Sam ng isang lunch na nadaluhan ito ng kaibigan naming barangay kagawad.
Ayon sa friend namin, target maging Mayor ng Manila ni Rep. Sam. Naisip namin na nakatulong si Willie Revillame sa panalo ni Sam. Tapos, biglamg naglabasan ang TV plug ng coming show ni Willie sa TV5 na Wil Tom Win!
Naku, may chance tulungan ni Willie si Sam sa bagong development sa political career niya, huh.
But wait! Ang dinig namin, tatakbo rin si Yul Servo na kasalukuyang Vice Mayor ng Manila, bilang Mayor sa 2025, huh.
May malaki at maimpluwensiyang tao raw sa likod ng kandidatura ni VM Yul sa Manila Mayor, huh.