Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

Tulak timbog sa Navotas buybust ops

ARESTADO ang isang lalaki na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Navotas City.

Ayon kay Navotas City police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta ng droga ni alyas Jimmy, 51 anyos,  residente sa nasabing lungsod kaya isinailalim ito sa validation.

Nang makompirma na positibo ang ulat, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez ang police operation laban sa suspek at sa pamamagitan ng isang undercover police ay nagawang makipagtransaksiyon sa suspek ng P500 halaga ng droga.

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong 1:05 ng madaling araw sa Dalagang Bukid St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan.

Ani Capt. Sanchez, nakompiska nila sa suspek ang nasa 4.32 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price value na P29,376.00 at buybust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …