Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Klinton Start

Supremo ng Dance Floor Klinton Start gradweyt na sa kolehiyo 

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGTAPOS na sa kolehiyo ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start sa Trinity University of Asia sa kursong BSBA major in Marketing Management na ginanap sa PICC last June 6, 2024.

Nagpapasalamat si Klinton sa nagsilbing guardian na sina Ann Malig Dizon at Haye Start na siyang gumabay sa kanya simula pagkabata hangang sa pagtatapos sa Kolehiyo.

Iniaalay ni Klinton kina Ann at Haye at sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya ang diploma sa kolehiyo.

“Tito John sobrang saya ko na nakapagtapos na ako sa kolehiyo at nagawa kong pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista.

“Gusto kong magpasalamat at iniaalay ko ang aking diploma sa dalawang taong walang sawang sumusuporta, nagga guide sa akin at nagmahal ng sobra-sobra na sina Ate Ann at Ate.

“Nagpapasalamat din ako sa mga taong sumusuporta at nagmamahal sa akin, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Samantala, proud na proud naman ang mga guardian nito na sina  Ann at Haye na parehong may post sa kanilang Facebook ukol sa naging pagtatapos  ng kanilang pamangkin.

Post ni Haye, “You are the Pride and Joy of our family, Congratulations Klinton Start on your Graduation🎓👨‍🎓 You make us Proud!👏 . ” 

Nag-post naman FB Story si Ann ng mga larawan nila kasama si Klinton during and after graduation.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …