ni Ed de Leon
NAGKUKUWENTUHAN ang dalawang showbiz gay. Sabi ng isa na dati ay galing sa isang malaking network, finally daw noong nakaraang Pasko ay naka-date na niya ang isang Tisoy na bagets na kapitbahay nila. Wala naman daw gaanong maipagmamalaki ang bagets pero tumatagal naman daw, at ang kanyang give pinakain daw niya ng tapsilog sa isang tapsihan malapit sa kanila at binigyan niya ng P1K. Ang baklang dukha akala pala niya napakalaki na ng ibinayad niya sa kapitbahay niyang bagets.
Nagyabang naman ang kausap niyang showbiz gay naglabas ng pictures ng isang napaka-poging bagets. At para mapatunayan niya ang kanyang “success,” nagpakita pa siya ng pictures na katabi niya si Pogi ng nakahubot’ hubad. Tulo-laway ni Gay 1. Pero siyempre ayaw aminin ni Gay 2 ang halaga ng kanyang kagandahang dahilan para patulan siya ng poging bagets.
May binanggit pa siyang pangalan ng isang tv at events host na nagmama-asim daw dahil hindi na gets ang bagets na napagtagumpayan niya.
“Kasi naman kuripot siya at wala na siyang datung sa ngayon.”
Pinipilit naman ni Gay 1 na sabihin ng ikalawang bading kung magkano ang ibinayad niya dahil pag-iipunan din daw niya iyon para ma-get din niya.
“Naku ilang kilong fishball ang kailangan mong maibenta para ma-afford mo siya Tama na sa iyo iyong pinakain mo ng tapsilog at binigyan ng P1K,” sabi ni Gay 2.
Isipin mo nga naman wala nang datung mag-iipon pa ng pera makahala lang ng lalaki.
“At saka hindi papayag iyon kung pakakainin mo lang siya kay Diwata.”