Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi ‘nililigawan’ muli ng mga Batagueno pinatatakbong kongresista

HATAWAN
ni Ed de Leon

TATAKBO nga bang muli si Vilma Santos para sa isang posisyon sa Batangas sa 2025? Sa Lipa mismo ay pinupuntahan siya ng maraming kababayan na hinihinging tumakbo siyang muli bilang congresswoman sa Lipa, dahil ang puwesto ay naiwan nga ng kanyang asawang si dating Sen RalphRecto na ngayon ay naging Secretary of Finance na. Maging ang sinasabi nila noong muling tatakbong senador si Secretary Ralph ay malabo na dahil kailangan siyang manatili sa gabinete ni Presidente BBM hanggang 2028.

Sa ibang bayan naman ng Batangas hinihiling din nila si Ate Vi na kumandidatong gobernador na muli ng Batangas. Sinasabi nila na maraming makakapalit sa kanya sa Kongreso, kahit na si Ryan Christianna lang ang patakbuhin nilang congressman wala namang lalaban doon. Pero kailangan ng lalawigan ang isang kagaya ni Ate Vi. Na noon pa nila inaasahang babalik sa kapitolyo. Ang akala kasi nila magpapalipas lang ng isang term si Ate Vi dahil nakompleto na nga niya ang tatlong term na siyam na taon, tapos babalik siya sa kapitolyo. Pero pinili niyang maging congresswoman sa lone district ng Lipa. Ngayon gusto nilang ibalik siya bilang gobernador. May limang petisyon na siyang natanggap mula sa mga mamamayan ng Batangas na humihiling na kumandidato siyang gobernador na pirmado rin ng mga mayor at iba pang opisyal ng kanilang bayan.

Pero ang totoo wala pa iyan sa isip ni Ate Vi. Una ang nasa isip niya kailangan din naman siyang mag-retire at ma-enjoy ang kanyang buhay. Isa pa, matagal din niyang napabayaan at mabuti nga nariyan pa rin ang kanyang fans dahil halos wala siyang nagawa bilang isang aktres sa loob ng 24 na taon na naging abala siya sa Batangas.

Pero mahigpit ang petisyon na walang hinihiling sa kanya kundi pumirma na lang daw ng Certficate of Candidacy at sila na lahat ang bahala sa kasunod. Malakas ang loob nilang magsabi ng ganoon dahil sa sinasabi ngang walang mangangahas na lumaban kay Ate Vi sa isang eleksiyon dahil na rin sa mga nagawa niya para sa buong Batangas. Hanggang ngayon nga may mga project pa siyang nagtu-turn over matapos na makompleto. At sinasabi ng mga tagaroon na, “marami pa siyang kailangang gawin.”

Pero ang sabi nga ni Ate Vi, “hindi na ako bata ngayon.  Hindi na rin ako ganoon kalakas. At mahirap ang trabaho ng governor lalo’t kung mag-isa kang haharap sa trabaho. Ibang usapan siyempre kung ang vice governor mo ay makatutulong mo sa lahat ang proyekto, paano kung hindi?”

Basta ipinagdarasal ko iyan sa Diyos, bigyan niya ako ng isang sign kung kaya ko pa. Kung sasabihin sa aking kaya ko pa at kailangan pa akong maglingkod susunod naman ako. Kung hindi na siguro pinapayagan na akong mag-enjoy naman sa buhay ko. Ang totoo, ngayon lang ako nag-eenjoy sa buhay ko na nagagawa ko lahat ng gusto ko, na-eenjoy ko pati pakikipaglaro sa apo ko. Hindi rin naman kasi ako nakakilos agad dahil nagkaroon ng pandemic. At noon namang pandemic, kahit wala na ako sa posisyon lagi pa rin naman ako sa Batangas at hindi ko naman sila tinalikuran. Iyong trabaho naroroon pa rin eh, ang nawala lang iyong pressure ng trabaho. Ako naman kahit hindi ako opisyal ng Batangas hindi ko sila pababayaan. Nariyan din naman ako lagi, ang wala nga lang iyong pressure sa mga dapat kong gawin,” sabi pa ni Ate Vi.

IKaw TIta Maricris, taga-Batangas ka, ano ang say mo? (Wag na lang, mas kailangan siya ng showbiz—ED)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …