Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Muhlach

Alex Muhlach ‘wag pakialaman relasyon kay Mae

HATAWAN
ni Ed de Leon

PARA namang isang napakalaking issue iyong si Alex Muhlach na 82 years old na, at tatay ni Nino Muhlach at lolo na nina Sandro at Alonzo Muhlach ay na-in love na muli sa girlfriend niya ngayong si Mae na 30 years old lamang. 

Ano ang issue eh 20 taon na silang magkakilala nagkakasundo naman sila, wala naman silang natatapakang iba. Oo may asawa noon si Alex pero ilang dekada na ba silang hiwalay? Isa pa, bakit pakikialaman ninyo ang buhay ni Alex, hindi naman dahil isang public figure ang kanyang anak, ang kanyang mga apo, kapatid at pamangkin ay naging public figure na rin siya. Ano ba ang pakialam ng mga tao sa kanyang love affair. Kung saan siya maligaya hayaan ninyo siya, huwag na ninyong pakialaman pa.

Eh kami nga eh may kakilalang isang showbiz gay na 70 years old na, pero ang syota niya ay isang poging bagets na 23 years old lamang. Pero ano ang pakialam natin maging sa agwat ng kanilang edad. May isip na ang showbiz gay matanda na siya eh, iyon namang bagets, hindi naman talaga bata, hindi naman masasabing pinilit siyang makipagrelasyon sa matandang gay. Nagkasundo sila at kung ano man ang napagkasunduan nila, wala na tayong pakialam. Pareho naman silang happy. 

Iyang mga ganyang bagay hindi na natin dapat na pinakikialaman. Kung iyong mga kamag-anak nila hindi nakikialam eh, tayo pa ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …