I-FLEX
ni Jun Nardo
MAASIM pa sa mga foreigner si Sheryl Cruz.
Aba, apat na foreigners ang nanliligaw ngayon kay She pero wala pa siyang natataypan sa kanila, huh!
“Select-select lang muna. Ayoko munang magkaroon ng involvement kahit na nga payag naman ang anak ko,” rason ni Sheryl nang maging guest sa SkinLandia opening sa SM Fairview na pag-aari ni Noreen Devina ng Nailandia.
Mabenta pa rin naman sa teleseryes si Sheryl na kasalukuyang napapanood sa GMA afternoon series na Lilet Matias: Attorney At Law.
Eh payag ba naman siyang muli na makasama sa project ang ex-loveteam at ex-boyfriend na si Romnick Sarmenta?
“Eh basta maganda ‘yung project at maaayos ang schedule namin, eh why not?” tugon ni Sheryly na hot mama ang dating.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com