Thursday , May 15 2025
shabu drug arrest

P.5-M shabu kompiskado
MAG-UTOL NA MISIS KALABOSO SA KANKALOO

DERETSO sa kulunganang magkapatid na ginang na sinabing sangkot sa pagtutulak ng droga matapos makuhaan ng mahigit kalahating milyong halaga ng shabu makaraang maaresto sa buybust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga.

               Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Pinky, 54 anyos, ng Brgy. 5 at alyas Lucel, 46 anyos, residente sa Malolos, Bulacan.

               Ayon kay Col. Lacuesta, ikinasa ng mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang buybust operation laban sa magkapatid nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa kanilang illegal drug activities.

               Matapos tanggapin ng mga suspek ang P6,500 marked money na kinabibilangan ng isang tunay na P500 bill at anim pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba sa Jacinto St., Brgy. 5.

               Nakompiska sa mga suspek ang halos 77 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) value na P523,600, buybust money, cellphone at coin purse.

Sinabi ni Col. Lacuesta, sasampahan ang mga suspek ng kasong pagsasabuwatan, pag-iingat, at pagbebenta ng ilegal na droga sa ilalim ng RA 1965 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa piskalya ng lungsod ng Caloocan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …