Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kobe Paras Kyline Alcantara

Kobe gandang-ganda kay Kyline, kamukha ni Paraluman

HATAWAN
ni Ed de Leon

MARAMI ang natuwa at natawa sa biro ni Kobe Paras sa isang social media post ni Kyline Alcantara, nang sabihin niyang “kamukha mo si Paraluman.”

Si Paraluman ay isang maganda at sikat na aktres noong araw, pero tiyak hindi na inabot ni Kobe ang panahon noon bilang artista. Sino kaya ang nagbigay sa kanya ng idea na si Kyline ay kamukha ni Paraluman?

Marami ang nakapuna kina Kobe at Kyline dahil sa isa nilang post na bagama’t hindi sila magkasama sa picture nakilala ng mga fan ang magkaparehong ayos ng food, at set up ng mesa na kanilang inilagay sa kanilang social media account, na nasundan siyempre ng tanong na nagde-date ba sila?

Marami naman ang natuwa dahil alam nila na nakipag-split na si Kyline sa dati niyang syota at wala na ring naririnig na dates ni Kobe sa anak ni Yna Raymundo. Natuwa ang fans kung sila na nga ngayon. Kung sabihin ng fans ni Kyline boto sila kay Kobe dahil mas pogi naman iyon kaysa dating syota ni Kyline, at iyong fans naman ni Kobe, happy dahil malinis ang image ni kyline na sinasabi nilang mas bagay sa personalidad ni Kobe.

Sana nga totoo na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …