HATAWAN
ni Ed de Leon
MAY lumabas na internet posts na kino-quote si Annabelle Rama na mukhang pabor na pabor sa relasyon ng kanyang anak na si Richard Gutierrez kay Barbie Imperial.
Wala namang sinabi si Annabelle laban kay Barbie nililinaw lang niya na hindi siya dapat na mai-quote dahil hindi sa kanya ang account na iyon. Ibig sabihin fake news iyon.
Naku maraming ganyan sa ngayon, gumagamit ng pangalan at pictures ng ibang tao tapos ay gumagawa sila ng mga fake accounts sa Facebook. Kami nga iginawa rin ng pitong delulu ng fake account eh, dahil hindi sila makapangatuwiran sa sinasabi namin. Gumagawa na lang sila ng fake accout para siraan kami.
Hindi namin pinapansin iyon hindi kami nagagalit sa kanila, ang totoo naaawa pa kami dahil ang ginagawa nila ay maliwanag na symptoms of insanity.
Sintomas na iyan na tinatakasan ng katinuan, in short delulu na.