RATED R
ni Rommel Gonzales
GAGANAPIN simula June 5-11 ang 2nd The Manila Film Festival na walo ang nakapasok na finalists.
Ang walong pelikula ay ang Festival Ballad of a Blind Man ni Charlie Garcia Vitug ng De La Salle – College of Saint Benilde; Happy (M)others Day ni Ronnie Ramos ng UP Film Institute; Una’t Huling Sakay ni Vhan Marco Molacruz ng Colegio De San Juan De Letran – Manila; threefor100: o ang tamang porma ng pag uukay at iba pang mga bagay-bagay, i think! ni Cedrick Labadia ng iACADEMY; An Kuan ni Joyce Ramos ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; Ditas Pinamalas ni Adrian Renz Espino ng Adamson University; Pinilakang Tabingi ni John Pistol Carmen ng Bicol University; at Bahay, Baboy, Bagyo ni Miko Biong ng UP Film Institute.
Gaganapin ang red carpet premiere ng mga film entries sa Metropolitan Theater ngayong Martes, June 4 at tatakbo naman ang festival mula June 5 hanggang June 11 sa Robinson’s Manila at Robinson’s Magnolia.
Sa June 11 naman ang awards night sa Metropolitan Theater.
Si Mr. Ed Cabagnot ang festival director-programmer-consultant ng TMFF.